“Book Descriptions: Isang hindi inaasahang bisita ang dumalaw sa huling araw sa lamay ng tumayong mga magulang ni Blesilda. Bitbit ng matanda ang isang lihim sa pagkatao niya na magdadala sa kanya mula sa kumportableng buhay ng call center executive sa Maynila patungo sa masalimuot na mga lansangan ng Cebu, sa kabukiran ng Manili sa North Cotabato, at sa kasagsagan ng digmaan sa Mindanao noong panahon ni Marcos, ng karahasan ng mga Ilaga sa Hilaga at Gitnang Mindanao, hanggang sa kasalukuyan sa patuloy na tunggalian ng mga kasaysayan, mga paniniwala, at mga imahinasyon sa lokasyon ng isang nawawalang bayan. Ang Colon ay nobela sa paghahanap ng identidad, ng pag-ibig, ng kayapaan at kalayaan, at ng mga pinatatahimik na naratibo ng mga tauhan na patuloy na naghahanap ng daigdig na matitirahan lamang sa pagtuklas at pagtakas.” DRIVE