P'wera Bisita
(By Emmanuel T. Barrameda) Read EbookSize | 29 MB (29,088 KB) |
---|---|
Format | |
Downloaded | 696 times |
Last checked | 16 Hour ago! |
Author | Emmanuel T. Barrameda |
Dito itinatakda ng langit ang lahat ng kulay ng mga karagatan ng pakikibaka sa buhay pati na rin ang mga panahon ng unos at kalma. May nangyayaring rebolusyon sa kalooban ng mga tauhan sa kuwento at mambabasa. Luwalhati at bagabag ang iniiwan sa puso at utak ng P'wera Bisita."
MARISSA REORIZO-REDBURN
Co-Founder, Parasurat Bikolnon, Inc.
Presidente, Kabulig-Bikol, Inc.
"Iniluwa ng mga kuwento ni Emmanuel T. Barrameda ang isang personang piniling pauwiin na ang isip sa pinag-ugatang isla, dahil handa na itong muling sumanib sa mas malaking bahagi ng kaniyang kaluluwang kahit kailan ay di nagnais na sumakay ng barko paalis sa nasabing lunan Ang panganay na koleksiyon ng mga kuwento ni Barrameda ay magpapatunay sa atin na ang pinasigasig na kamalayan ng nabuong persona, na isinulot ng natupad na pagsasanib ng kaniyang kaluluwa't isip, ang magbibigay-bisa sa isang pag-aakdang bumaybay ng may paglilimi sa mga kalye at sulok, sa mga tahanan at bakuran ng isla, hanggang sa ubod ng mga puso ng mga ipinakilalang tauhan. Hindi umiwas ang kamalayang ito upang matapang na maisalaysay sa atin ang mga nasaksihang kirot at kibot, ligalig at pag-ibig, hanggang sa mga konserbatibo at kumplikadong kondisyon ng iba't ibang lalim ng dilim, mga panimdim sa bawat takipsilim, ng mga buhay na nabuo at binubuo sa isla.
Ipinakilala sa atin ni Emman na ang buhay ng isang lunan ay mas makabuluhang umiiral kung patuloy na sumasanib ang ating kaluluwang nahulma dito sa ating sensibilidad, na pinili mang lisanin ang kanyang pantalan, walang sawa pa ring nabubuhay na naghahanap, kumikilala, at nambabasag ng mga kahulugan, saanman ito mapadpad na lunan."
FERDINAND PISIGAN JARIN
Awtor. Anim na Sabado ng Beyblade
Ang bawat tauhan sa mga kuwento ni Emman ay may kakambal na bagyo na kanya-kanya rin nilang katukhayo. At ang ang Catanduanes, na tagatanggap kadalasan ng una at pinakamatinding hagupit ng bagyo sa bansa, ay siyang tagpuan ng magkakatukhayong itong sinanay na ng panahon. Makakikilala ka rito ng mga Catanduanes yumayakap na ng mga bagyo At ikaw, bilang mambabasa, mapapansin mo na lamang na kasama kang mapapayad, dadalhin ng mga bagyong ito doon sa pantalan kung saan naghihiwalay ang bagay-bagay. Nandoon at nakahilera sina Inggo, Sky, Teresita, Elvira, Adi, Dea, Cora, Gerry at iba pang tauhan sa mga kuwento ni Emman, Pare-pareho silang nakatanaw sa dagat, nagtatanong sa sarili na kung sa pagpalaot ba ng barko (sa pagpapalimbag ng librong ito) ay buo silang lulan nito, o kung buo rin ang silang naiwan sa isla. Ikaw (isang Catanduanes) na tahimik na tauhan sa mga kuwento ni Emman, magtatanong ka rin sa sarili, kung buo ang ako na lulan ng barko, at kung buo ang ako na naiwan sa isla. Pero ang pantalan ay lugar din ng mga pagtatagpo, kaya't ang anumang pagbabalik (gaya ng pagsasalimbag ng librong ito ay pagbuo muli ng mga bahagi, o kaya ay pagkikita, o pagkilala, o pagsalubong sa dumaraming ako', sa dumaraming ikaw."
RONALDO VERZO
Pabliser, Balangay Books”