“Book Descriptions: May tina-target na reader parati and mga nagsusulat gaya namin. Hindi lahat pwede naming targetin. Kami, malinaw sa amin kung sino ang aming target. Layunin ng proyektong ito na kahit papaano'y makapagbigay kami ng putang inang edukasyon sa nagbabasa habang manaka-naka'y kunwari kaming nagpapatawa. Sino sila na siyang mga tina-target namin? Sila yung mga dine-politicize na ng kanilang panahon gamit ang putang inang entertainment at mass media. Sila na dinaya na kanilang paligid tungkol sa mga totoong nangyayari. Sila na para bang wala nang pakialam o ayaw nang makisangkot kasi nakakaramdam na ng kawalang kapangyarihan (powerlessness). Sila na ayaw ng makinig kahit kanino liban na lamang sa sarili. Sila na nakakaramdam na wala namang relasyon ang mga nangyayari sa paligid ng kanilang mga sariling karanasan. Sila na ang tingin ay may malaking gap sa pagitan nila at ng lipunan kaya wala ng pag-asang masagot pa ang mga dati ng problemang paulit-ulit lang. Sila ang target naming magbasa. Para sa kanila 'to.
Pakikipag-ugnayan ang pinakadahilan ng aming pagsusulat. Pakikipag-usap. Para mawala 'yung gap sa pagitan namin at ng mga malalayo sa amin. Kapag wala 'yun sa isip ng nagsusulat, walang magbabasa sa kanyang mga sinulat. Wala ring makikinig. Wag na lang magsulat. Sayang lang.” DRIVE