“Book Descriptions: Ngayong garapalan na ang nakawan sa gobyerno at komunidad. Ten-tenen...
Talamak na rin ang kababawan sa social networking sites man o totoong buhay. Ten-tenen...
At umiigting ang kawalan natin ng pakialam sa ating kapuwa. Ten-tenen...
Mas madalas na rin nating hanapin ang 'entertainment value' ng mga bagay sa paligid imbes na hamunin ang sarili na mag-isip ng kritikal at kumilos ng may kabuluhan. Tenenenen...
Sa era na luho ang mag-isip at pumalag sa mga naka-umang na banta ng mga masasamang elemento. At ang tanging pag-asa ng masa na yumaman ay maging open-minded at mamuhunan sa networkng. Dum-dudoooom. Tenenenen...
Ay napapanahon na upang lumikha ng isang superhero na magli-ligtas sa atin mula kababawan, kawalan ng pakialam sa kapuwa, at pagkakanya-kanya na alinsunod sa umiiral na kaayusang panlipunan.
Black screen...
Ang superhero na may day-off, sume-selfie at nagko-cover ng mga kanta!
Ten-tenen. Tenenenen.
Uberman! Ü
(Ang nobelang uulit-ulitin mo! Hindi marahil sa ganda kundi sa dami ng typo. Ü)"