“Book Descriptions: May lalaki. May babae. Pero hindi ’to k’wento ng pag-ibig. Ng romantikong pag-ibig. Para sa sumulat, ito ay k’wento ng pamamaalam, ng pagyakap at pagtanggap sa buong konsepto nitong binalot ng realidad ng seksualidad, mga ’di naipadalang liham, at mga panaginip na nakaangkla sa mga gunita ng nakalipas.
Pero baka sa'yo, bilang mambabasa, iba ang kahulugan ng nobelang 'to.
Balikan ang naglahong alindog ng Imus sa saliw ng gimig ni Ely Buendia at ng Eraserheads, ng mga awit ng The Beatles at ni Morrissey, ng pighati at paglalambing ni Coltrane, Ellington, at Davis, ng walang kapares na tinig ni Rico J. Puno at panulat ni Rey Valera, ng kapayakan at aesthetisismo ng dekada '90, at ng latay na pakikipagtipan ng 1956 Sori Yanagi Butterfly stool sa blankong C120 cassette tape para mabigyang sagot ang 'sang tanong na kumakalmot sa eskinita ng lumbay: