“Book Descriptions: Dahil iba ang kanyang kutis sa kanyang mga kababayan na pawang mapuputi ang balat, si Berting ay tampulan ng pagkutya at pang-aalipusta.
Isang araw, biglang nilusob ng mga uwak ang kanilang bayan at sinira's ninakaw ang anumang bagay na makita ng mga ito. At ang pinakalabis, dinukot ng mga ito si Emang Araw at isinilid sa baul, dahilan upang ang buong bayan ay sakluban ng nakapangingilabot na kadiliman.
Ano kaya ang maaaring gawin ni Berting, ang batang uling?
Alamin sa kuwentong ito kung paano bumalik sa dating magandang kalagayan ang bayan ng Sutla - at kung anong mahalagang papel ang ginagampanan ng kagandahang-loob na nakatago sa maitim na kulay ni Berting.” DRIVE