“Book Descriptions: Ang nobela ay una sa binabalak na trilohiya tungkol sa buhay at panahon ng mga tauhang alalaom baga'y paradima ng isang rehimen. Sa anyong science fiction (isang metodolohiya na nagsasangkap sa scenario building at imahinasyong malaparabula), ang larawan ng isang kaayusan, sa pagbabalik-tingin, ay pinatindi upang dalirutin, wika nga, ang idyolohikal na tagisan ng relasyon sa pag-ibig, uri at katauhan. Ang produksyon ng aklat na ito ay bunga rin ng mga kontradiksyon sa lipunan: sapagkat ito'y sinulat sa Como, Italya, sa biyaya ng Rockefeller Foundation, isang banyagang institusyon na nagpaunlak sa awtor upang makaupo nang matagalan sa estudyo, isang matamis-mapait na paradoha sapagkat hindi maanggihan ng kalinga ng mga lokal na ahensiyang nakatalaga diumano sa creative writing.” DRIVE