“Book Descriptions: Isa sa pinakamasigasig na kontemporanyong manunulat si Rene O. Villanueva. Nagsimula siyang kumatha ng mga dula, kwentong-pambata at sanaysay noong magtatapos ang dekada '70. Nakapagsulat na siya ng 50 dula; nakapaglathala ng mahigit 60 librong-pambata; at limang ulit ginawaran ng National Book Award. Noong 2004 pinarangalan siya ng Gawad CCP Para sa Sining (Literatura); nang sumunod na taon nakamit niya ang Gawag Chanselor sa University og the Philippines (U.P) bilang natatanging alagad ng sining. Kabilang siya sa unang batch ng manunulat na iniluklok sa Don Carlos Palanca Memorial Awards Hall of Fame--bukod sa 29 na ulit na pagwawagi sa naturang timpalak.” DRIVE