Paspas: Mga Kuwentong Siyudad ni Vincent Jan Cruz Rubio (1980-2009)
(By Vincent Jan Cruz Rubio) Read EbookSize | 24 MB (24,083 KB) |
---|---|
Format | |
Downloaded | 626 times |
Last checked | 11 Hour ago! |
Author | Vincent Jan Cruz Rubio |
Si VJ, gusto lamang niyang maging manunulat. Iyon ang ekspresyon niya ng paghahanap ng kahulugan. Sa kanyang mundo ng imahinasyon, nagtatagumpay ang mga bida. Nabibigo ang masasama. Pinagtatawanan niya ang kahibangan ng power. Sinisikhayan niya ang ipinunlang pag-asa. May buhay siyang binubuo sa kanyang mga akda. Dito’y napipino niya ang magulong realidad ng kanyang lipunan. Kaya nga may artist ang lipunan, para may mag-ayos ng gulo sa kapaligiran. Sapagkat marahas ang totoong buhay, kailangan ng malikhaing imahinasyon, kailangan ng mga artist na magbibigay ng rhyme and reason, ng alternatibong pananaw sa kinagisnan.
—Jun Cruz Reyes, PhD
Likhaan: UP Institute of Creative Writing
at Center for Creative Writing, PUP
Nagtapos ng BA Araling Pilipino major sa Pelikula at Malikhaing Pagsulat si Vincent Jan Cruz Rubio. Tubo siyang Pasig sa Kamaynilaan ngunit may alaala ng Davao, ang lugar ng kapanganakan ng kanyang ama. Naging manunulat siya sa maraming publikasyon at nagkamit ng mga parangal pampanitikan. Naging fellow rin siya sa UP Likhaan National Writers Workshop at maging sa iba’t ibang writers fellowship at workshop. Namayapa siya noong Marso 2009 sa siyudad na kanyang inibig at kinasuklaman”