“Book Descriptions: Katangi-tangi at kahanga -hanga ang kalipunang ito! Para itong isang kambas na may samutsaring tanawin: malasin mo't mamamalikmata, lapitan mo't matitinik. May kurot ang pagkakalatag ng mga taludtod; may haplos ang mga tunog. Taglay nito ang mga reyalidad at katotohanan ng buhay na kapwa nagpapasulak at nagpapatiwasay ng damdamin. Makikipil na taludturan ngunit may gadaigdig at pandaigdig na kahulugan. Tunay na masterado ni Rogelio G. Mangahas ang sining ng haiku. - RUTH ELYNIA S. MABANGLO” DRIVE