Tuwing Nag-iisa sa Mapa ng Buntonghininga
(By Paolo Miguel G. Tiausas) Read EbookSize | 26 MB (26,085 KB) |
---|---|
Format | |
Downloaded | 654 times |
Last checked | 13 Hour ago! |
Author | Paolo Miguel G. Tiausas |
—Benilda S. Santos
Kung pag-usapan ni Paolo Tiausas ang kanyang kabataan, aakalain mong may ilang siglo nang lumipas ang buhay na kanyang tinutulaan gayong wala pang isang dekada ang karamihan ng mga sentimyentong pinagninilayan. Sa ganitong paraan nagkakatimbang ang kanyang mga tula: habang binabaybay nito ang magkahalong kabaduyan at kababawan ng pagkabata, tinatawid din ng mga ito ang isang uri ng intelektuwalidad na tumutuhog kung bakit ginagawa ng mga bata—ng mga tinaguriang millennial—ang kanilang ginagawa nang hindi sumasandig sa lohika ng popular at karaniwan. Nagbubukas ng pagkakataon ang koleksiyon na bigyan ng higit na partikularidad ang youth culture ng Pilipinas, mula sa kahulugan ng pagpalit ng regalo sa mga kaeskuwela tuwing Pasko hanggang sa masalimuot na pagsalikop ng aktuwal na panahon sa mga reglamentong lumilikha ng kani-kanilang siklo ng umpisa’t katapusan, ng mga katuturan at esensiyang hinihigitan pa ang timbang ng mismong buhay at kamatayan. Pamilyar ang mga tao at mga eksenang ito: ang Ingleserang principal sa ating mga paaralan, ang alangang halakhak habang nanonood ng Funniest Home Videos, ang mga sabi-sabi tungkol sa pag-ibig na naging biblikal at naturalisado. Lumilitaw ang isang tinig na—bagama’t bata sa kanyang panunudyo, pananariwa, at pakikitungo—nananatiling tapat sa diwa ng pakikisalamuha sa mga posibilidad ng isang daigdig na paulit-ulit sinusugatan ang kanyang kamusmusan. Sa halip na ipagdalamhati o ipag-nostalgia ang pambubusabos sa kabataang ito, bumabangon ang persona ng koleksiyon at ipinagbubunyi ang kanyang kaibahang nakababatid na “walang pinagkaiba sa responsibilidad / ang alaala,” sapagkat “kailangan mong mabuhay nang nagwawala’t nawawala.”
—Joseph T. Salazar”