That's me, Deib Lohr Enrile. Oo, isa akong bully, pero nag-promise ako na magbabago na sa huling taon ko sa high school para sa babaeng nagugustuhan ko. Pero mahirap palang magbago kapag may babaeng tumingin sa 'yo nang masama, kaya 'ayun pasimple ko siyang pinatid.
Bad trip naman kasi talaga ang Maxpein del Valle na iyon, transferee sa school namin. I hate her guts. Siya lang kasi ang lumaban sa lahat ng binully ko, kaya siyempre, hindi ako magpapatalo. Iyon nga lang, hindi ko maintindihan kung bakit parang unti-unti, nagagawa niyang baguhin ang pananaw ko sa buhay dahil sa makatwiran niyang prinsipyo. Teka, ibig bang sabihin, nagugustuhan ko na si Maxpein?