“Book Descriptions: Naiinis ako! Alam n'yo kung bakit? Ipinipilit kasi ng isa sa mga best friend ko na may gusto ako kay Maxpein. Wala nga, at hindi nga puwedeng magkagusto ako sa kanya. Bakit? Dahil hindi kami bagay. Kaya naman kailangan kong patunayan na wala akong nararamdaman para sa babaeng iyon. Kaso lang, may epal na biglang umeksena. May lalaking nagkakagusto kay Maxpein, idagdag pa ang epal niyang ex-boyfriend na nangungulit pa rin sa kanya. Bigla, parang iba na ang dahilan kung bakit ako naiinis.
Parang tama nga yata ang best friend ko. May gusto na nga ako kay Maxpein!