“Book Descriptions: Hanggang ngayon, pinagtatalunan pa rin kung ano ang pambansang ulam ng Filipinas. May nagsasabing adobo, dahil ito ang kinagisnang lutuin natin. May nagsasabi namang sinigang, dahil madaling ibagay ang mga sangkap nito. Yung iba, ang sigaw naman ay kinilaw, dahil ito raw ang wagas at pinakadalisay na pagkaing sumisimbolo sa buong bansa.
Ano nga ba ang pagkaing Filipino? O mas maigi, paano naging Filipino ang pagkain?
Samahan si Ige Ramos sa kaniyang paghahanap sa pambansang panlasa ng Filipinas at alamin kung bakit, sa lahat ng mga pagkaing kilala ang ating lahi, may isang katangi-tanging grupo ng pagkaing Filipino ang para sa kaniya'y sumasagisag sa panlasang tunay na atin.” DRIVE