“Book Descriptions: Maraming humahanga kay Fr. Marcus hindi lang dahil sa taglay nyang karismatikong pagkatao, gandang lalake, lambing ng boses, talino, halos saulado ang bibliya at nakaka intindi ng mga wika, kundi sa mga nagagawa nito sa simbahan.
Naibalik nya muli ang interes ng tao sa pag pagsisimba, napalago ang kanilang pananampalataya at muling napaasa ang mga ito sa himala ng pagpapagaling at biyaya.
Kahit hindi nya maamin,maraming nagpapatunay na napagaling, natulungan, at nagkatotoo ang hula nya sa mga ito. Pero maging sya, nagtataka sa kanyang kakayanan o mas tinatawag na kaloob.
Hindi yata pangkaraniwan. Parang sya mismo, hindi naniniwala sa kanyang kaloob. Ano kaya ang gagawin ni Fr. Marcus sakaling malaman nya na kaya may taglay syang ganitong kaloob ay dahil sya ang nakatakdang maging ikatlong anti-kristo?” DRIVE