“Book Descriptions: Para kay Nisyel Love, ang pinakamahalagang pag-aari niya sa mundo ay ang kanyang kagandahan. Iyon kasi ang pinaka-da best na biyaya ang natanggap niya mula sa Itaas. Itinuturing niyang "Dyosa ng Kagandahan" ang kanyang sarili.
Ngunit umobra kaya ang kagandahan niya kung makakaharap niya ang pinakamasungit na lalaki na nakilala niya sa buong buhay niya? Ang malala pa ay magiging boss niya ito. Ipinaglihi yata ito sa magkahalong ampalaya at sama ng loob. Para itong dragon na nagkatawang tao at sa angking katangahan niya ay araw-araw yata siyang mabubugahan ng apoy nito.
Would love be enough to tame the beast? The untouchable beast?