“Book Descriptions: "Kilala mo ba ako?" usisa niya. Of course, nakikilala ko siya! Sino ba naman ang makakalimot sa kanya? Unang-una sa amoy niya. Paparating pa lang siya, pinupuno na niya ng pabango ang paligid. Parang may announcement. Pa-advance party.
Siyempre sobrang kisig niya. 'Yung kapag bagong salta siya sa isang lugar at mapadaan siya, siguradong magpi-pirouette ang ulo mo para sundan siya ng tingin. Lagi sigurong ganoon ang reaksyong nakukuha niya sa mga tao.
"E-enrique," sambit ko na para ba akong nalunod at dinala sa dalampasigan para buhaying muli ang katawang lupa ko. At siya ang una kong nakita. Mapapakanta talaga ako ng, 'Hallelujah!' o kaya 'Ale, nasa langit na ba ako?'