Tatlong Gabi, Tatlong Araw
(By Eros S. Atalia) Read EbookSize | 20 MB (20,079 KB) |
---|---|
Format | |
Downloaded | 570 times |
Last checked | 7 Hour ago! |
Author | Eros S. Atalia |
Bumalik siya sa kapistahan ng Brgy. Magapok, dahil na rin sa kahilingan ng namatay niyang ina, upang ilagay ang picture frame sa altar at isaboy ang kaunting abo sa kapatagang napalapit sa puso nito. Pagdating ni Mong (kanyang palayaw) sa probinsya ng Sta. Barbara na nakakasakop sa Brgy. Magapok, tutumbukin ito ng super typhoon. Nakipag-unahan si Mong sa bagyo para makarating agad nang ligtas sa Magapok.
Napuno ng kababalaghanat karahasan ang isa sanang simpleng kasiyahan ng tatlong araw na pista ng patron na si Sta. Barbara de Bendita. Isa-isang nawala ang mga alagang hayop at tao. Nasaksihan niya kung paanong kinain ng lupa ang isang buong baka. Nakipaghilahan siya kasama ng mga taga-Magapok laban sa isang kamay na humihila-pailalim sa isang bata. Nagawa niyang mai-record sa kanyang camera ang daan-daang kataong hindi na nagising at pati na rin ang pag-agaw ng kung anong liwanag sa mga natitirang buhay sa Magapok.
Sa dinami-dami ng kanyang teorya, mula sa pakikipagsabwatan ng mga minero sa bandido, ng rebelde sa sundalo, ng sinkhole, ng bio-chemical warfare hanggang sa alien abduction... naging mailap ang katotohanan sa isang tulad niyang mamamahayag na tagapaghatid o tagalikha ng katotohanan.”