“Book Descriptions: Nakahantad ang katotohanan sa harapan nating lahat. Marami bang mga mata ang nakakakita ng taas, luwang, at lalim ng mga bagay-bagay para maging totoo ang mga ito? Marami bang utak ang nakakatkat para busisiin ang mga bagay bagay at maunawaan ang lalim nito?
Nang mabasa ko ang screenplay (ng Bulaklak sa City Jail) ni Lualhati ay naglaro agad sa aking imahinasyon ang mga tauhan nito dahil nakilala kong totoo ang mga taong ito. Yon ang kagandahan ng mga karakter ni Lualhati. Hindi sila likha ng isipan kundi mga totoong tao sila. Mga taong nakakasalamuha natin araw-araw - kamaganak, kaibigan, kapatid, kakilala, kaklase, kapitbahay. Mga taong kilala natin kaya madali nating maunawaan ang kanilang taas, luwang at lalim. Kailangan yon upang maangkin natin ang kanilang kuwento at paniwalaan.
Sa maraming salamin na iniharap ni Lualhati Bautista sa harap natin, isa sa pinakamalinaw ay ang Bulaklak sa City Jail at gayundin... isa sa pinakamatalas!” DRIVE