“Book Descriptions: Maktan. Isang islang pinamumunuan ng tatlong datu: Datu Zula, Datu Umindig, at Datu Lapu-lapu. Tulad ng isla ng Sebu, sagana rin and Maktan sa likas-yaman kung kaya't talamak din dito ang makipagkalakalan sa mga dayuhan na nanggaling pa sa iba't ibang dako ng mundo. Isa sa mga dayuhang ito ay ang mga Kastila mula sa Espanya na pinamumunuan ni Fernando Magallanes. Sa tulong ng kanilang tagapagsalita na si Enrique, ipinamahagi niya sa bawat balangay ng isla ang kanilang layunin na makipagkaibigan at makipagkalakalan. Ngunit, sa likod ng kanilang pakikipagkaibigan ay ang kadiliman na naging simula ng pangaalipin at kamatayan.” DRIVE