Ang Manghuhurno
(By Cymbeline R. Villamin) Read EbookSize | 26 MB (26,085 KB) |
---|---|
Format | |
Downloaded | 654 times |
Last checked | 13 Hour ago! |
Author | Cymbeline R. Villamin |
– Romulo P. Baquiran Jr. | Propesor sa Kolehiyo ng Sining at Letra, University of the Philippines-Diliman
Dahil bibihira ang nobelang mula sa ganitong punto de bista, masasabing ang pagsesentro ng kuwento sa ganitong tauhan ay tulad rin ng pagpili sa bibingkang iniluluto pa rin nang may apoy sa ibabaw at ilalim, palaging may hatid na panatag sa lamig ng Disyembre at pagtatapos ng taon.
– Joi Barrios / Propesor ng Filipino at Philippine Literature sa University of California-Berkeley
Ang nobela ay isang maligayang paglalakbay ng mga sensibilidad— paningin, pandama, pang-amoy, pandinig, panlasa, at rurok ng imahinasyon sa larangan ng pagsinta. Ito ang natuklasan ko nang binasa ko Ang Maghuhurno. Humanga ako sa pag-arok ng kamalayan ng mga tauhang umibig at nagparaya, pinagtaksilan at nakipaglaban, pinagtaksilan at nagpatawad, inibig at nagpaubaya. Lahat sila ay nakarating sa dalampasigan nang buo ang pagkatao, at may kaligtasan.
– Ysabel San Pedro Schuld / Makata, Banker sa Wells Fargo- Portland, Oregon USA
==
Ang Maghuhurno ay kuwento ni Liz, ika-apat na henerasyong apo ng bibingkera na taga Kawit, na siyang naghurno ng bibingkang inihanda sa pagdiriwang ng pagdeklara ng kalayaan noong 1898. Ginamit na talinghaga ang paghuhurno bilang pagbubuo sa pagkataong hati at wasak.
Hinabi ang nobela sa pag-gamit ng balik tanaw (flashback) at kamalayang daloy (stream of consciousness) ni Liz sa konteksto ng kasaysayan na may paralelismo sa danas at ganap sa sariling buhay— himagsikan ng Katipunan 1896, pagtataksil sa bayan ng Magdalo; diktadura sa panahon ng batas militar noong dekada ’70; pandemya covid-19; at pambansang halalan 2022.”