“Book Descriptions: Ang mga personal na sanaysay ay mga politikal na pag-akda ng pagiging LGBTQIA+ ng bawat manunulat-mamamayan-tao na kalahok sa antolohiyang ito, dahil ang mga ito ay tungo sa pag-ako at muling pag-ako ng sariling identidad-pagkamamamayan-pagkatao. Hindi lamang ito pangungumpisal kundi pagiging testigo sa sariling katotohanan ng naging kasaysayan, tunguhin, at pagtatanggol sa mga individual na katotohanan ng pagiging dehado natin sa mundong ibabaw. Ang pag-eensayo nito ay pag-eensayo sa kinakailangang rebolusyon o kontraryong imaginary ng pagkamamamayan sa heterosexualidad at estado.
Binubuklod ng antolohiyang ito ang tinig ng LGBTQIA+ na manunulat, ang ating mambabasa, ang ating publiko, ang iba pang mga pahina ng pambansang panitikan at kontraryong politika—ang asersyon na maging kaiba, may solidaridad ng hanay, may kaisahan at pakikiisa sa iba pang identidad at aspekto ng pagkamamamayan na inaapi, ang pangangailangang baguhin ang lipunan, kasaysayan, at modernidad ng pagdanas.” DRIVE