“Book Descriptions: Ang Tutubu, Tutubi 'Wag Kang Magpahuli sa Mamang Salbahe ay pagtatangka ng awtor na isalaysay ang mga unang araw ng batas militar sa "panahong hindi puwedeng sabihin ng diretso ang nasa isip." Bunga ito ng kanyang eksperimento sa paggamit ng satire upang masabi ang bawal "nang hindi nakakagalitan" o sa paraang matatawa lang ang nakarinig (mula sa Paunang Salita ng may-akda).
Nanalo ang nobelang ito ng Grand Prize sa Palanca noong 1982. Unang inilathala ng New Day Publishers noong 1987, nagkamit din ito ng National Book Award mula Manila Critics Circle.” DRIVE